(Transcription of the infomercial 'Isang Araw Lang' (Just one Day) against using firecrackers, aired over UNTV in support to the campaign of the Department of Health)
###
(Voice over by Dave Tirao) Sa nakalipas na sampung taon, halos labing-isang libo (10,956) ang mga naging biktima ng paputok ayon datos ng Department of Health. Sa pagtaya naman ng isang kilalang ospital, hanggang limang libong piso ang nagagastos sa bawat biktima ng paputok.Nangangahulugan na mahigit sa limampung milyong piso (P54.7M) ang nagastos, para sa mga biktima ng paputok sa nakalipas na isang dekada. Katumbas na ito ng presyo ng mahigit apatnapung libong sako ng NFA rice, na sapat na upang may mai-saing ang mahigit dalawang milyong mahihirap na pamilya (2.028M families), sa loob ng isang araw.
Bago sumapit ang bisperas ng bagong taon, milyun-milyong piso ang ginagastos ng ating mga kababayan para sa paputok. Kung ang mahigit labing-walong milyong (18.5M registered household) rehistradong sambahayan sa bansa ay gagastos na lamang, halimbawa, ng tig-isang daang piso para sa paputok.
Aabot sa halos dalawang bilyong piso (P1.8B), ang masasayang dahil lamang sa pagpapaputok, bukod pa ang daan-daang magiging biktima nito.
Kung sa isang araw lang sa bisperas ng bagong taon ay hindi tayo magpapaputok, ang halos dalawang bilyong piso na matitipid ay maaari na sanang magamit na pampatayo ng halos limang libong (4,944) classroom na magagamit ng isang daan dalawamput tatlong libo at anim na raang (123,600) mag-aaral batay sa universal classroom-student ratio. Makababawas na rin ito sa mahigit apatnapung libong (41,197) kakulangan sa classroom sa buong bansa.
Kung sa isang araw lang na hindi tayo magpapaputok, milyun milyon ang matitipid ng mga ospital ng gobyerno para sa pagpapagamot ng mga biktima ng paputok, na magagamit naman sa iba pang mahahalagang bagay.
Sa pagpapaputok wala tayong mapapala, maaari namang magsaya na walang nadidisgrasya.
Kuya Daniel Razon: "Ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama, samantalahin natin ang bawat mabuting pagkakataong ibinibigay sa atin ng Panginoon upang gumawa ng mabuti sa lahat at maaari natin itong mapasimulan, kahit isang araw lang"
###
Kuya Daniel Razon’s advocacy ‘Isang Araw Lang’ (Just one day) calls on the attention of every individual to start doing good things for others, for the country, and to abstain from doing wrong and damaging activities.
Answering to Kuya’s call of ‘Isang Araw Lang’ means to start a rightful act and to sustain it.
###
Visit the official video campaign site
sana wala nang magpapaputok...
ReplyDeletepara wala ng mga napuputolan ng mga kamay...
pag nagpaputok ka, may posibilidad na maoerwisyo ka at ang kapwa mo, wag na sanang gumamit ng paputok para everybody, happy! :D
ReplyDeleteang pag gamit ng paputok ay hindi lamang nakakasama sa kalusugan, maging ang kalikasan ay naaapektuhan sa mga usok at pulbura na galing sa mga paputok.
ReplyDeleteingatan ang katawan at kalikasan, paputok ay iwasan.
ang paputok ay dilang nakaka disgrasya masama din ito sa kapaligiran....
ReplyDeletesayang pera sa paputok...ilagay sa tama ang biyaya pinagkakaloob satin :)
ReplyDeleteAng paputok ay di nakakasaya kundi nakakadisgrasya!!
ReplyDeleteang paputok ay hindi totoong nakakaalis ng malas kundi nakapagdudulot ng malas pag naputokan ka malasmo
ReplyDeleteJoin the Forum - Daniel Razon's ‘Isang Araw Lang’: Huwag Magpaputok sa Bagong Taon!!!
ReplyDeletehttp://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?p=52744711#post52744711
If every centavo used for firecrackers will be utilized to help the poor, it's more than enough to feed them for the whole year. -- @BroEliSoriano
ReplyDeletehttp://twitter.com/#!/BroEliSoriano/status/7236798248
sana wag na tayong magpapaputok dahil magastos at nakak sira sa ating pangangatawan dulot ng mga chemical........
ReplyDelete