Search This Blog

Pages

Wednesday, December 22, 2010

UNTV and Kuya Daniel Razon, Reaps Dangal ng Bayan Awards


































Aired last 12/21/10 in Ito ang Balita and 12/22/10 in Hataw Balita
Reported by Adjes Carreon

Muli na namang kinilala ang mga mabubuting gawa at serbisyo publiko ng tinaguriang Pillar of Public Service in Philippine television. Pinarangalan bilang 'Best Public Service TV Station' ang UNTV sa katatapos lamang na 30th Yearender Dangal ng Bayan People’s Choice Awards ng National Consumers Affairs Foundation at Asia Pacific Awards Council.


Kinilala rin bilang 'Best Public Service TV Host' ang ating Kuya Daniel Razon (UNTV CEO) na tinanggap naman ng ating kasangbahay na si Atty. Wilhelm Soriano. "Nagpapasalamat po si Kuya Daniel sa lahat, una po sa poong maykapal sa pagbibigay sa kanya ng patuloy na lakas sa paglilingkod bayan" ayon kay Atty. Soriano.


Sinabi ni Jonathan Navea, Project Head ng Dangal ng Bayan Awards, "marami siyang nagagawa, kahit hindi siya pulitiko nabibigyan niya ng public service ang ating mga constituents".


Naging guest presenter ng gabi ng parangal ang tinaguriang Master Showman na si Mr. German Moreno na binigyan din ng parangal na ibinilang sa hall of fame ng entertainment sector.


"Siyempre nakakatuwa at simula yan ng pagpapahalaga sa kanya at sana it will continue", bahagi ng mensahe ni Kuya Germs para kay Kuya Daniel.


Samantala, naging vocal naman si Kuya Germs sa kanyang pagkadismaya sa nakaraang Famas Awards night dahil sa kawalan ng suporta ng karamihang artista at mga kapatid sa industriya. "Para bang ang pagbibigay ng parangal dito sa Famas ay para bang hindi na nila binibigyan ng importansiya, sana huwag namang ganun dahil alam natin na ito ang unang award giving body", ayon kay Kuya Germs.

No comments:

Post a Comment